Tuesday, June 7, 2011

Mikael Daez Video Scandal?

For my first post, I wanna talk about Mikel Daez.

Ang gwapo n'ya. Ang laki ng panga. At hindi pang-ookray 'yan. Bagay sa kanya ang malaking panga. Isipin mo na lang na impis ang panga n'ya. Ang pangit 'di ba?

mikael7

Pero what made him more interesting to my eyes ay ang pagkakaroon n'ya ng isang video scandal daw. May mga kumalat na picture sa internet na screenshot daw galing sa nasabing video. Hindi naman masabi kung totoo nga o ginamitan lang ng Photoshop. Sana kasi maipakita ang video talaga.

At oo, interesado ako. Hindi lamang para malaman nga kung totoong meron, kundi para makita ko na rin kung ano nga ang ipinagmamalaki ni Lumad (character n'ya sa Amaya).

Hindi kaya strategy lang ito ng GMA7 para pag-usapan ang bago nilang talent? Pero may nabasa ako sa isang tabloid na model pa lang daw itong si Mikael ay may ganoong balita na. At bago pa man ito kunin ng GMA7 bilang artista ay nakita na ito ng ilang reporters sa cellphone ni Mo Twister.

Hindi kaya may pagnanasa si Mo kay Mikael at si Mo mismo ang kumuha ng video o picture? Hala! Pero s'yempre I'm just kidding :)

Mas naging fan ako ni Mikael Daez nang i-follow ko s'ya sa Twitter. Ang sarap basahin ng mga tweets n'ya. Ang galing mag-Ingles, pormal. Kung hindi mo pa s'ya naririnig magsalita ay iisipin mong mayroon s'yang taga-update ng Twitter account n'ya, gaya ng ibang Hollywood personalities. Pero hindi. Dahil napakinggan ko na s'yang magsalita sa isang interview at talaga namang Ingles kung Ingles. Ateneo graduate naman kasi s'ya.

Anyway, sana ay lumabas din ang video scandal na iyan ni Mikael sa mga darating na panahon no! Sigurado akong sulit ang paghihintay d'yan, dahil tingnan mo naman, panga pa lang, ulam na!

mikael daez

0 comments:

Post a Comment