Ang gwapo ni Xian Lim kagabi sa Gandang Gabi Vice. Ang laki-laki ng braso, na lalo pang pinalaki ng suot na muscle tee. Halatang kilig na kilig si Vice Ganda, lalo na't hindi lang si Xian ang guest n'ya kundi pati na rin si Kean Cipriano (vocalist ng bandang Callalily). Pero hindi naman masyadong gwapo si Kean, lalo na't tumabi pa kay Xian. Come to think of it, nagra-rhyme pala ang mga pangalan nila.
Pero ano itong nabasa ko sa isang blog na nagkakamabutihan na daw sina Vice Ganda at Jon Avila? Huwaaattt? Anober! Ang haba naman talaga ng bangs ni Mama Vice. Oh well, ikaw na ang may daily show, Sunday show, at upcoming major concert sa Araneta. Ikaw na!